Bulacan, itinampok ang kahalagahan ng inklusibong lipunan sa programang “Basta Bulakenyo Kahit May ‘K’ OK!”

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week 2026, isinagawa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO ng Bulacan ang “Basta Bulakenyo Kahit May ‘K’ OK!” noong Hulyo 22 sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Nakaangkla sa temang “Rights First, Legislation Forward – Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development”, layunin ng programa na higit pang palakasin ang kamalayan sa mga karapatan ng Persons with Disabilities (PWDs) mula sa iba’t ibang mga lungsod at bayan sa buong lalawigan para sa isang araw ng pagkilala, pagpapalakas ng kakayahan, at pagtatanghal ng talento.

Isa sa mga tampok na programa ang singing competition na nilahukan ng 20 kalahok na kumakatawan sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan. Tatlong kalahok ang pinarangalan para sa kanilang natatanging pagtatanghal at nakatanggap ng mga perang papremyoat commemorative sashes.

Itinanghal si Marck Jocel Tolo mula sa Lungsod ng San Jose Del Monte bilang second runner-up at tumanggap ng Php 2,000, si Nestor Rellama ng Bayan ng Bustos bilang First Runner-up at tumanggap ng Php 3,000, at si Angela Marie Cabela ng Bayan ng Balagtas bilang Grand Winner at nag-uwi ng Php 5,000 na cash prize.

Pinagtitibay ng programang ito ang pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na isulong ang mga karapatan, kapakanan, at inklusyon ng mga PWD, sa probinsiya.

Samantala, binigyang diin ni Gobernador Daniel R. Fernando ang patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na makabuo ng isang lalawigan na inklusibo, kung saan walang naiiwan at walang puwang ang diskriminasyon.

“Hindi lang po ito basta selebrasyon, ito po ay paalala na ang bawat tao ay may pantay pantay na Karapatan at pantay na pagkakataong mabuhay na ginagagalang, may pag-asa at walang diskriminasyon. Patuloy nating palalakasin ang mga programang nagbibigay ng oportunidad at nagtataguyod ng kanilang kapakanan upang makabuo tayo ng isang lipunang tunay na inklusibo, patas, at may malasakit para sa lahat,” ani Fernando.

PDIC to offer 59 Visayas, Mindanao properties for e-bidding on August 26-27

DOST Launches Smart Mobile Kitchen to Strengthen Camiguin’s Disaster Response

Advertisement